Friday, June 13, 2014

Walang Laya at Walang Hiya: Kung Bakit Hindi Ako Naniniwala sa Independence Day

Author's Note: Yung death threats po, sa comment section nalang. Salamat!

Kahapon, habang naglalakad ako sa kahabaan ng Quezon Avenue upang hanapin ang aming destinasyon, madami akong nakitang mga watawat ng Pilipinas na naka-display sa iba’t ibang gusali, sa mga bahay, at mga sasakyan, pribado man o pampubliko. Sa social media, makikita mo ang mga post na nagsasabing, “I love the Philippines!”, “Happy Independence Day!” “PINOY PRIDE!” at kung anu-anong shit na makikita mo lamang tuwing ika-12 ng Hunyo, kapag nananalo sa boxing si Manny Pacquiao (o kaya nadaya - dahil hindi natatalo ang Pinoy, ganun tayo ka-awesome), o kaya pag may half/quarter Pinoy na contestant sa singing contest sa ibang bansa, kahit pa hindi pa siya marunong magsalita ng Filipino o hindi pa kahit kailan nakakatikim ng adobo.  

Balita ko, Araw ng Kalayaan kahapon, at dapat may panibagong Codswallop akong ipinublish.

Anyare at ngayon lang? Dahil ba kalahating araw akong nag-lalalakad sa Ninoy Aquino Parks and Wildlife kasama ng mga kaibigang photographers at bloggers upang sumuporta sa adbokasiya ng One Pencil at a Time? Dahil ba uhaw ang katawan ko sa tulog? O dahil kaya, katulad ng ibang pagmamahal na umusbong ng masidhi sa damdamin, naubos na ang pagmamahal ko sa Pilipinas kaya hindi ko nalang pinansin ang anibersaryo ng paglaya kuno ng ating bayan?

Siguro dahil hindi na ako naniniwala na tunay na malaya ang Pilipinas. Makikita sa ating kasaysayan na ilang daang taon din nabuhay ang mga Pilipino sa ilalim ng pamamalakad ng mga dayuhang sumakot sa atin – EspaƱol, Amerikano, Hapon. Ngayon, nabubuhay ang Pilipino sa ilalim ng pamamalakad ng Pilipino, ngunit nakagapos parin ang Pilipino sa kahirapan at kamangmangan. Sa pagkakataong ito, wala tayong mananakop na sisingilin ng ating kalayaan. Walang gyigyerahing mapang-aping dayuhan. Walang sisisihin na iba kung hindi ang ating sarili.

Maraming mga bagay na nagsisilbing repleksyon ng kawalang kalayaan ng ating bayan and ang kawalang hiyaan sa bansa.


Ang kapal ng mukha ng isang mambabatas na naakasuhan ng pandarambong na sayangin ang buwis na kinakaltas sa mamamayang Pilipino sa isang walang kwentang privilege speech/performance kuno.  

Namatayan ako ng neurons at ng pag-asa para sa Pilipino. Nabwiset din ako dahil wala na akong pera ngayon dahil sa laki ng kaltas sa sweldo ko at sa taas ng presyo ng kuryente, tubig, at ng mga bilihin. Tapos ipapang-song number lang ng isang senador na hindi man lang marunong kumanta? Buti sana kung keri niya ang performance level.

Sa talumpating ito, walang kahit anung eksplenasyon tungkol sa kasong kinakaharap ng senador. Pinuna ng senador ang kahirapan ng mamamayan. Hindi siguro nya gets na hindi sana magiging ganoon kasama ang kundisyon ng marami nating kababayan kung ang perang dapat sa bayan ay napupunta sa bayan at hindi sa bulsa ng mga lider-kuno ng bayan. Nakakatawa. Parang komedya, pero imbis na tumawa, gusto kong maglaslas. Hindi ko alam kung sa katangahan ng talumpati ako na-badtrip, o sa boses ng senador nung kumanta siya, o sa pang low-class movie MMFF-level acting niya. Siguro sa kapal ng mukha ng senador na ito na gawing fail na Showtime ang dapat ginagalang na institusyon ng gobyerno.

Wala pong saysay ang inyong speech, senator. Sana man lang may dance number din kasabay ng kanta para hindi saying ang pagbayad namin sa aircon ng Senado.

Panuorin ang privilege speech ng nasabing senador dito. Warning: Nakakabobo.


Ang kawalan ng sensitibidad ng mga tinuturing na lider ng moralidad at ng relihiyon ng gawing pangunahing dahilan ang pagpunta ng kanilang Santo Papa sa bansa upang hikayatin ang gobyerno na bilisan ang rehabilitasyon ng mga nasalanta ng bagyong Yolanda.

Nung kasagsagan ng bagyong Yolanda sa Visayas noong 2013, nadurog ang puso ko. Alam ko kasi ang pakiramdam na anurin at sirain ng tubig ang lahat ng pinaghirapan. Sa mga balita noon, makikita na daang-daan pa ang patay na nakakalat sa kalye habang natutulog sa tabi nito ang mga buhay na kamag-anak at mahal sa buhay. Walang makain, walang tubig. Milyon ang pumasok (at patuloy na pumapasok) na tulong mula sa kapwa Pilipino at sa mula sa iba’t ibang parte ng mundo pero mabagal parin ang dating ng tulong sa mga nasalanta. Nakita rin natin sa telebisyon na masira na lamang ang marami sa donasyong pagkain, hindi man lang nakarating sa mga taong nangangailangan nito. Nagsimula na ang klase pero hanggang ngayon kalunos-lunos parin ang mga paaralan sa Tacloban. Maraming paaralan na hindi magamit hanggang ngayon. Marami sa nasalanta ang wala paring permanenteng tinutuluyan.

Tapos maririnig mo ang isang alagad-kuno ng Diyos na magsabing kailangan pabilisin ng gobyerno ang rehabilitasyon ng mga nasalanta ng bagyo. Okay na sana. Okay na talaga. Hanggang sabihin nila na kailangan gawin ito dahil darating ang Santo Papa sa 2015 at nakakahiya ang Pilipinas.

Reality check po: Matagal na pong nakakahiya ang Pilipinas. Nuod din kayo ng balita pag may time. Sana man lang ang naging prayoridad ng pagpapabilis ng pagtulong sa mga taong ito ay dahil tao rin sila, Pilipino sila, at responsibilidad ng estado. Hindi pampaganda ng imahe.

May tawag kame sa Nursing nyan: rational prioritization. Ayos na sana ang prioritization (pero sana noong una pa ninyo masidhing ipinaglaban ito sa media, at patuloy-tuloy na ginawa, kesa isyu ng One Direction concert ang pinagtuunan ninyo ng pansin). Kaso ang fail po ng rationalization ninyo. Sobra.

Ang pangungutya at pagbalewala sa mga Pilipinong gustong matuto, natututo, may natututunan, at may kaalaman.

Nakakatawa. Sa ibang bansa, kapag may naiimbentong bagong produkto o teknolohiya, lalo na kung ang imbensyon ay gawa ng isang mag-aaral, ito ay sinusuportahan ng gobyerno, ng paaralan, at ng ibang mamamayan. Sa South Korea, ang pagiging magaling sa Ingles ay binibigyan importansya ng mamamayan dahil naniniwala silang importante ito sa pag-unlad. Bakit? Dahil naniniwala sila na ang kahusayan sa iba’t ibang aspeto ay makakatulong sa kanilang bansa. Dito sa atin, kung ikaw ay magaling sa ibang lengwahe, o kaya kung may mai-babahaging may katuturan sa social media, makakarinig ka pa ng pangungutya. Kung may naimbento ka na bagong teknolohiya, mas may mangyayari pa sa buhay mo kung dadalhin mo sa ibang bansa para duon ibenta o ipakilala.

WTF?


“E di ikaw na ang matalino” or “Magaling ka lang naman sa English e.” E ano naman kung matalino o magaling sa English ang isang tao? Kailan pa naging negatibo ang pagiging matalino at magaling sa isang lengwahe? May kultura ng anti-intellectualism ang Pilipino. Nakikita ito sa mga ekspresyong, “nosebleed!” (“Epistaxis” kung nasa propesyong medikal ka), madalas mula sa mga walang magap-tuunan ng pansin bukod sa drama ni Nicole at Monica ng The Legal Wife o mga bagong love team sa Bahay ni Kuya. Nakikita rin ito sa pagpili at pagboto ng mga taong uupo sa posisyon ng kapangyarihan sa gobyerno.

Maraming sa atin na mas trip  ang madramang politico kesa sa may utak na lider. Kaya siguro maraming Pilipino ang nakukuha sa drama (at song-and-dance number) ng mga naghahangad mag-“lingkod” sa bayan kesa sa tinatawag na “credentials”. Kaya siguro maraming walang kaalam-alam sa pagsulat ng batas at pamamalakad ng bansa ang may lakas ng loob na tumakbo para maging parte ng gobyerno – dahil alam nila na ok na ang popularidad para maghikayat sa mamamayan na iboto sila sa kapangyarihan, kahit wala naman silang alam.

From L-R: Accused Pork Barrel Scam senators Jinggoy Estrada and Bong Revilla were action "heroes" of Philippine cinema. Here they stand with another accused senator Juan Ponce Enrille. Photo taken after Revilla's traumatic privilege speech and song number. Nakakaloka. Photo from philstar.com

Kaya rin siguro akala nila na ayos lang sa mamamayang Pilipino na mag showtime sa Senado.


Ang kapal ng mukha ng mga mamamayan na umasta na nakakataas sila sa batas… o kahit manlang sa tinatawag na “propriety”.

Pauwi ako nung isang araw at nakapila sa pagpasok ng SM Makati ng biglang may sumingit na lalaki sa akin para magpa-tsek ng bag. Ayos lang sana (pero sa totoo lang dapat hindi ‘to ayos), pero nagawa pa ni kuya na sikuhin ako. At dahil kaya kong maging bitch minsan, sinabihan ko  siya: “Kuya, kaya hindi umuunlad ang Pilipino, dahil sayo.” Tuloy lang ang lakad ni kuya, parang walang sinikong tao para lang mauna makapasok sa mall.


Yung totoo kuya, pasaway lang? Kaya hindi umuunlad ang Pilipinas e. Tsaka bakit parang ang daming lanes ng sasakyan? Photo not mine.

Ang Pilipino nga naman, madalas walang respeto sa ibang tao at sa batas: magtatapon ng basura kahit saan (kahit may basurahan naman), tatawid sa maling lugar at oras (kaya nasasagasaan), hindi sumusunod sa batas trapiko (kung hindi haharipas ng takbo, parang hinahabol ng demonyo, titigil naman kung saan-saan para magbaba o kumuha ng pasahero), nagpapa-andar at nagpapagamit ng mga bus na pag sinakyan mo maaari kang dalhin sa destinasyon mo o sa kabilang buhay, sisingit sa pila, papasok sa paaralan o sa trabaho ng lampas sa dapat na oras (pinanagutan na ang Filipino Time).

Mga maliliit na bagay ito, pero maliliit na bagay na nagpapakita ng kawanag-hiyaan. Hindi naman kaya ng ordinaryong mamamayan na magnakaw ng sampung bilyong piso sa pamamagitan ng PDAF at fake na NGO. Pero sa maliliit na bagay na ito makikita ang isang bagay na kailangan ng kahit sinong indibidwal, grupo, o bansa na naghahangad umunlad: disiplina.

Tandaan din natin sana na ang mga maliliit na pagsaway sa batas at kawalanghiyaan sa kapwa ay maaring maging malaking pagsaway sa batas at kawalanghiyaan sa kapwa. Tulad nalang ng pagnanakaw ng limpak limpak na salapi muka sa kaban ng bawan sa pamamagitan ng PDAF at NGO.

Ang paglimot at pag-sawalang bahala ng tao sa mga pang-aabuso na ginawa at patuloy na ginagawa sa atin.

Isang litrato ng Maguindanao Massacre. Anyare na at hindi na umusad ang kaso? Photo from Google Search.
Natatandaan pa kaya ng marami ang Ampatuan Massacre? Ilang buwan pa lamang pero wala na akong nakikitang kalampag ng tao tungkol sa rehabilitasyon para sa sinalanta ng Yolanda. Tapos na ang unang linggo ng klase at wala ng napapabalita tungkol sa kakulangan ng class room, matinung libro, at guro sa mga pampublikong paaralan. Sa Facebook ko nalang nakikita ang tuloy-tuloy na protesta ng mga mag-aaral sa pataas na pataas na matrikula sa kolehiyo. Kahit ang isyu tungkol kay Janet Lim Napoles sandaling nawala sa pokus ng tao ng pumutok ang di-umano’y panggagagaha kay Deniece Cornejo ng TV celebrity na si Vhong Navarro. Madalas ata tayo makalimot ng isyu pag mag bagong "trending". Ilang kabataang Pilipino kaya ang nakakaalam na sinampahan na ng kasong pandarambong si Pogi, Tanda, at Sexy?

Ang Pilipino, minsan makakalimutin. Hindi nila makakalimutan kung anung time slot ng The Legal Wife sa telebisyon o kung ano ang latest sa buhay ni Kris Aquino, pero makakalimutan nila ang kawalang-hiyaan na ginagawa sa kanila tuwing sahod, habang nagpapakamatay para kumita ng pera, habang araw-araw na ginaga ng Diyos ay nabubulok sila sa matagal at masalimuot na trapik sa EDSA at sa iba pang kalye sa bansa. Makakalimutin ang Pilipino, kaya ang galit, mabilis ring makalimutan. Pagkatapos mag-rant sa FB, ok na.

Pero hindi dapat tayo nakakalimot, kase parang okay lang sa atin na tapakan at abusuhin ng mga may kapangyarihan at ng bulok na sistema. Dapat hindi tayo nakakalimot.


Hunyo 12 kahapon. Sabi sa Facebook, 116 na taon na daw tayo malaya. Pero kalayaan bang maituturing ang kawalan ng progresibong pag-iisip, pagkawalang bahala sa nangyayari sa bayan, pagkutya sa karunungat, at pagiging bulag sa kawalang-hiyaan at pag-aabuso sa mamamayan?

Parang hindi naman.

5 comments:

  1. Replies
    1. Mabuhay ang Pilipinas habang namamatay angmga kababayan natin sa hirap.

      Delete
  2. "Salamat mga kaibiga~n" Leche, penge tissue, naiiyak ako :))
    Happy Independence Day! Party na!

    ReplyDelete
  3. kakapal lang talaga ng mukha ng mga politikong iyan.The likes of Bong Revilla, Jinggoy Estrada, Juan Enrile et al, dapat sa mga ito, hindi hinahayaang pagala galz at pinagtatawanan lang nag mga Filipino sa katangahan sa pagboto sa kanila.

    ReplyDelete