Wednesday, June 12, 2013

Tunay nga bang Malaya ang mga Pilipino





Sa mga marketing strategies nang gobyeryo at ilang lathalain, isang Mukha nang Kalayaan ang Pilipinas. Ngunit tunay nga ba tayong malaya? (Ang litrato ay mula sa Inquirer.net)

Ika-12 ng Hunyo ngayon - ang ating Araw ng Kalayaan. Base ang petsang ito sa pagkalas ng mga Pilipino sa mapang-alipin na banyagang gumapos sa atin ng napakatagal na panahon. Ang kasaysayan ng Pilipinas ay babad sa pagka-alipin – mula sa mga Espanyol na nagtago nagtago sa misyong ipakalat ang Kristiyanismo hanggang sa mg Hapones na na kumaladkad sa atin sa Pangalawang Pangdigmaang Pandaigdig dahil kolonya tayo ng kanilang kalaban na Estados Unidos. 


Sabi nang marami, nang matapos daw ang rehimeng Marcos at maibagsak ang Martial Law ni Cory Aquino at ng kanyang Hukbong Dilaw, naputol narin raw ang mahaba at madugong kasaysayan ng pagka-alipin ng mga Pilipino. Demokatikong bayan rw ang Pilipinas. Tayo ang nagpapatakbo nan gating gibyerno, at pinahahalagahan aw nan gating mga pinuno at nan gating lipunan an gating Kalayaan nang Pananalita at Ekspresyon. 


Ngunit ano nga ba ang pagka-alipin? Ang gapos ba ng isang alipin ay pisikal at nakikita? At ano nga ba ang kalayaan?


Tunay nga ba tayong malaya?


Kung tunay na malaya ang Pilipino, bakit libo-libong Pilipino ang umaalis ng Pilipinas upang magtrabaho sa ibang bansa at magsilbi sa mga dayuhan? Bakit maram sa mga pinaka-magagaling na Pilipino ang nagsisilbi sa ibang bayan at doon bumubuo ng kanilang mga pamilya?


Kung tunay na Malaya ang Pilipino, bakit natatakot tayong umuwi nang dis-oras ng gabi? Bakit tuwing naglalakad tayo sa kalye ng ating mga siyudad, hindi nawawala ang kaba nating maaari tayong maagawan ng pag-mamayari, ng puri, o ng buhay?


Kung tunay tayong malaya, bakit nakagapos parin sa Korter Suprema ang batas na magliligta sa labing-isang nanay na namamatay araw-araw dahil sa komplikasyon nang pagbubuntis?


Kung tunay tayong malaya, bakit iniiputan natin ang sarili nating batas? Bakit talamak padin ang daynastiyang pampulitikal sa bansa? Bakit hindi man lang natin masunod an gating konstitusyon at tuluyang ipaghiwalay ang estado at ang simbahan?


Kung tunay tayong malaya, bakit kalunos-lunos ang estado ng edukasyon sa bansa?

Kung tunay tayong malaya, bakit may ipinasang batas na igagapos ang Kalayaan sa Pagsasalita at Ekspresyon sa internet?


Kung tunay tayong malaya, bakit ibinabase natin an gating mga desisyon sa mga walang-basehang pamahiin at hindi tinitimbang ang tunay na nagaganap sa lipunan?


Kung tunay tayong malaya, bakit naiisang-tabi natin ang mga akda at sining na gawang Pilipino, at ang mga tao sa likod nang mga ito, kahit pa sila’y nabigyang parangal na sa ibang bayan? Bakit pinipily nang karamihan na tangkilikin ang sining-dayuhan kaysa sa sining Pilipino?


Kung tunay tayong malaya, bakit madumi at mabaho an gating mga siyudad? Bakit puno ng tagpi-tagping bahay, nang mga lasengero sa kanto na walang hanapbuhay at ayaw maghanap ng hanapbuhay? Bakit may mga batang palaboy at pinababayaan ng magulang o walang mga magulang at pinababayaan ng lipunan? Bakit may mga lalaki, babae, at batang nagpu-puta at pinapag-puta? 


Kung tunay tayong malaya, kung tunay na labas na sa impluwensya nang dayuhan ang Pilipinas, bakit may mga polisiya tayo na nakakagaan at pabor sa ibang bayan at hindi sa ating mamamayan? Bakit hindi tayo maipagtanggol nan gating gobyerno mula sa mga taga-labas na iniihian ang integridad at halaga nang ating bayan? Bakit pumapayag tayong duru-duruin ng mga nakapaligid sa atin? Bakit kailangan nating ipag-puta ang ating bansa, ibuka ang hita nito, at pabayaang gahasain ng banyaga?


Kung tunay tayong malaya, bakit nagagalit tayo sa mga banyagang nagbibigay nang tunay at makatotohanang na kritisismo sa mga hindi kanais-nais na aspeto nan gating kultura, gobyerno, at lipunan? Bakit kahit galit tayo ay wala tayong ginagawa para baguhin ang mga ito?


Kung tunay tayong malaya, bakit, habang binabasa mo ang ma tanung na ito at nag-iisip nang mga sagot, nang mga dahilan,  ay in-aalis at ini-lalayo mo ang sarili mo sa ekweysyon nang pagbabago?





Ngayon, sagutin mo ako: Tunay nga bang malaya ang mga Pilipino?

2 comments:

  1. Oo, malaya tayo ngunit hindi sa lahat ng bagay :)

    ReplyDelete
  2. There is no real freedom because if there is, there will be chaos everywhere because not everyone has the same opinion. So the law was made to limit human freedom. True freedom is not doing anything one wishes without consequence, but it is doing something and knowing the consequences and being willing to face responsibility. We will only be free if we know our limit because when we know it, we can do something without fear that we have done wrong. Freedom is not free it always comes with responsibility so it will never be true freedom.

    We are free to act but our actions are controlled by law. Whatever we say that we are free from the influence of others, that will not come true because human beings are persuasive creatures. Even if we say we want true freedom, we are afraid of responsibility. We can do what we want to do but we are afraid of what will happen. We ourselves have extended true freedom and it can be seen in the laws. Almost all of us are afraid of the responsibility of true freedom because if we didn’t get it, we controlled the government ourselves but we didn’t do it.

    Another proof that we are not really free is the presence of government. Why do we have to vote for a president if we can be the president of his life. Why do politicians need to be corrupt? The reason we don’t want responsibility and another reason is so that we have to blame and not and ourselves a way to clean up. So we agree to be inferior to others because we don’t want responsibility and we also don’t want blame.

    True freedom is only a dream as long as there is religion, law, race and government. These are the institutions that make us feel free but actually control us. If they disappear, chaos will surely result and that is why man has sacrificed his true freedom.

    ReplyDelete