Pasulyap-sulyap ako sa langit,
sa ulap,
at iniisip ang iyong ngiti
tuwing binabaybay
ang mga kalsadang
balot ng gabi.
At nais kong abutin ang ulap,
ang langit.
Nais kong hagkan
ng aking mga labi.
Ngunit 'Di Ako Marunong Lumipad
(AKA I Wanna Bash My Head Against the Wall
AKA Tula sa Ayala)
ni Janina Santos
Marunong daw ako magsulat ng sanaysay. Sa trabaho ko, kasama ang pagtuturo at pagda-dissect at pagsusulat ng essay. Introduction. Body. Conclusion. Topic Sentence. Thesis Statement. Kung anu-anung topic. Andyan na ang globalization, genetically-modified food, at kung anu-ano pang pinapasulat sa walang kamuang-muang na nangangarap mag-abroad. Forte ko nga raw.
Pero matagal bago ko napagdesisyonan na subukan ang narrative essay. Eto na siguro yun. Sinusulat ko to dahil sa tatlong dahilan. Una: nahiya naman ako, nagsimula ako ng blog pero wala pang laman. Pangalawa: eksperimento, gusto kong tingnan kung may kwenta ba ako magsulat. Pangatlo: hinamon kame ng Bebang Wico Siy na subukan ang sanaysay nung WIT 2012. Ang tema: Your First Time.
Hebigat. Hindi ko alam kung anung isusulat ko. Yung unang beses ko malaman na mahal ko pa ang mag-sulat. Yung unang beses kong basahin ang Literotika. Yung unang beses ko ma-realize na magpapaka-Gabriela Silang pala ako para ipagtanggol ang sino mang biktima ng rape at sexual harassment.
Pinili ako sa unang legit na rally ko. Unang legit kase yung unang rally ko talaga e sa Ayala Alabang. Pinoprotesta namen yung condom ban nila. Naka-yellow na t-shirt ako, hawak hawak ang bandera ng RH Bill. Pero Ayala Alabang yun, demure kumbaga ang protesta.
Yung initial info ko, care of another Pinoy writer, si Karl de Mesa, na pareho ko atang high blood ng mga panahong 'yun. 'Di ko lang alam kung kinailangan niyang mag-Catapress para bumaba ang BP. Sana hindi naman. Dahil OC ako sa oras, ni-research ko pa ulit at nalaman na dapat 8:30AM ay andun na.
Mag-isa lang ako dahil may iba ng pupuntahan ang mga pwede kong kasama sa ganitong pag-kakataon pero dahil madaldal ako at makulit, nakipag-usap ako sa iilan-ilang mga lalaki bago yung rally. May bombero na raw. Bubugahan daw kame ng tubig pag nagkagulo. May pulis narin. Nag-aantay na mag-amok ang taong bayan sa labas ng korte. Pag nagkanda-leche-leche daw, takbo agad sa mall. Makihalo sa tayo.
Shit. Wala man lang akong dalang condom para ibalot ang cellphone ko.
Ilang pangyayari nung Black Tuesday sa Korte Suprema |
Halos lahat kame nasa harapan ng supreme court nakaitim, sumisigaw nang magkakasama ng mga tao: No to Cybercrime Law! Exciting. May bombero at pulis talaga, may media coverage. Andun si Marlene Aguilar, naka-black na see-through na damit, pina-Fuck You ang mga binansagang tangang tao sa gobyerno. Andun ang iba't-ibang miyembro ng iba't-ibang sektor na gustong ibasura yung pinasang batas. Mainit. Hindi pala dapat nagme-make-up sa rally. Sa Alabang lang yun pwede.
Matapang daw ako sabi ng mga kaibigan kong hindi 'sing sira-ulo ko, pero ang totoo, natakot akong itakwil ng mga magulang at kapatid ko pag nalaman nilang nagpapaka-aktibista ako. Baka daw mahuli ako. Baka mapagtripan. Baka masira ang kinabukasan kase may binabanggang matataas na tao. Kaya dahil magha-Halloween naman, gumawa narin ako ng maskara na maisusuot sa araw na yun. Anonymous supporter sa crowd ang drama, kumbaga.
Pero parang katangahan pala kung may ipag-lalaban ka, pero hindi mo naman kayang panindigan. Nung bandang tanghali, nakasukbit nalang yung maskara sa bag ko. Save it for the Halloween parties, if ever there is one.
Hindi rin talaga pwede magpaka-anon. Inatasan kase ako ng organisasyon ko na magbigay ng mensahe sa rally bilang kinatawan namin. So hindi pwedeng mag-mask. Kase hindi nalang ako ang nirerepresenta ko, kundi ang paniniwala at paninindigan ng grupo ko. Masarap pala magsalita at maki-isa sa mga taong pare-pareho ang pinaglalaban.
Laking tuwa ko nung ibaba ng Supreme Court ang TRO. Pakiramdam ko, persona kong nakumbinsi ang Supreme Court na bigyan kame ng 120 na kalayaan. Keber sa make-up na tunaw. Keber sa kung magalit at itakwil ako ng pamilya ko.
Sa pagkakataong iyon, mas may kwenta ang buhay ko dahil may nagawa ako na hindi lang para sa sarili ko. Ang sarap ng pakiramdam.
Parang orgasm lang.
Sana ayos na kay Ate Bebang na nakasama dito yung assignment kong sanaysay ko tungkol sa first time. Pero kung gusto niya ng mas mahabang home-work, pwede rin naman. Promise, hindi after ten years. May isa pa kasi akong kwento: yung tungkol sa libro niya. Sa totoo lang, hindi ko pa tapos basahin. Kagabi, habang binabaybay ang Ayala sakay ng masikip na dyip, humahagikgik ako habang nagbabasa. Pinagtitinginan ako ng tao, per as usual wala akong pake. Hanggang kagabi at hanggang ngayon. Hindi ko parin tapos, pero kailangan tumigil dahil sa tawag ng kalikasan (ang magsulat)
It’s a Mens World. Noong una kong makita yung libro, akala ko nung una e hardcore na essays tungkol sa feminism. May pagka-ganun din naman, pero mas marami pa siyang sakop. Tapos nakilala ko pa si Ate Bebang at na-realize ko kung gano kabaliw na babae siya.
Kung trip mo matawa, pwedeng-pwede ang It’s a Mens World para sayo. Unang 50 na pahina palang, malamang masakit na ang tiyan mo. Light reading. Isang koleksyon ng narrative essay ng manunulat ang libro, tungkol sa iba’t-ibang aspeto ng buhay niya, tungkol sa mga kapatid niya, sa mga crush niya, sa pamilya. Sa mga pangyayaring nagsimulang madrama, natapos ng ka-pasawayan lang pala.
Kung tutuusin, mundane dapat yung laman. Pangyayari sa pang-araw-araw na buhay e. Hindi tulad ng iba kong binabasa – may sirena, may mga wasak ang utak sa droga, may post-apocalyptic world na puro aswang, manananggal, lamang-lupa, kapre at kung anu-ano pa.
Pero hindi ko mabitawan. Tawa ako ng tawa, tapos after five minutes humahagulgol naman ako. Parang timang lang.
Paminsan-minsan, yung kwento ng tunay na buhay pa talaga ang nakakabihag sayo. Bukod pa sa kung paano i-kinwento, yung tibay ng loob ng manunulat na magbahagi ng buhay niya, na ipa-imprenta yung mga napag-daan niya sa papel, na mababasa at malamang mapagtsismisan ng kung sinu-sinong tao. Sa tingin ko, yun yung bumihag sakin, at kung ba’t ang haba-haba ng kwento ko at ng It’s a Mens World.
Korni man sabihin, pero may puso yung libro. At saludo rin ako sa tapang ng manunulat.
Hindi ko pa natatapos itong librong to. Pero pagkatapos, malamang bibili ako ulit. Ipangreregalo ko, dun sa mahilig din magbasa. Kase dapat mas marami pang magbasa ng librong ‘to.
Pero para dun sa mapera, mura lang naman! PHP280 lang ‘to sa Powerbooks sa Greenbelt! Bili na!
Oo nga pala: first time ko lang din mag-basa ng libro ng sanaysay. So pwede narin bang pang first-time essay ito?#