Wednesday, September 14, 2011

How I Stalked Karl de Mesa, Horded the Books on Sale, and Performed Other Embarrassing and Possibly Disastrous Fan Girl Antics


(Dala ng sobrang kaligayahan dala ng VISPRINT, at dahil sa kinakausap ngayon ng manunulat ang sarili sa wikangn ito, napagdesisyonan niya na maglabas naman ng isang blogpost sa Tagalog, kahit na Ingles ang title. Sana hindi ito ang huli. Masaya talaga magpaka-baliw sa sariling wika.)


Andun na kame ng mga alas-syete, alas-syete y’medya. Lumilipad pa ang mga utak namen, bangag, walang tulog, at umabot pa sa puntong sa sobrang sabog ng neurons ko, in-explain ko pa kay Gary Mojica ang physiology behind fever, at physiologic response ng heart. Tango naman ang sira, akala siguro e alam ko ang pinagsasabi ko. Siguro gullible kase noong gabi lang na yun e inaapoy siya sa lagnat.

Wasak talaga sa pagod at sakit ang drama naming dalawa… Pero ayos lang! Nasa WIT kame! Visprint event! Mabuhay ang mga manunulat na Pilipino! Damang-dama ko ang nag-uumapaw na kaastigan ng mga nailathalang salita! Hindi na sapat ang kapangyarihan ng exclamation point para ipahayag ang excitement!!!

Maaga palang bukas na ang bentahan ng libro ng Visprint. At dahil hindi ko dala ang orihinal na kopya ko ng Naermyth ni Miss K, syempre kailangan ko bumili. Hindi dapat palampasin ang pagkakataon na makapag-pa-autograph sa idol ko! Pati narin syempre yung libro ng David Hontiveros na Craving, dahil nasa mahal ko na nakatira pa sa Batangas yung una kong kopya. At dahil andun narin naman ako, nag-rationalize narin ako na minsan lang ang 10% sale…kaya bumili narin ako ng libro ni Master Eros Atala na Ligo na u, Lapit na me; ng koleksyon ng novella ni Karl de Mesa, News from the Shaman, na nirebyu ng isa ko pang idol na si Lourd de Veyra; at syempre, hindi mawawala ang libro ni Bob Ong. Binili ko yung wala pa’ko: ABNKKBSNPLAKo. At dahil makabayan ako, bumili narin ako ng shirt na “Bakit Baliktad Magbasa ang Mga Pilipino?” kahit hindi kasya sakin dahil sobrang laki!

PHP800! Ayos, parang nanalo ako sa lotto! Yun nga lang, wala na akong pangkain para sa mga susunod na araw. Sinubukan ako pigilan ni Gary, pero parang wala naming kahit konting boses ang pagpigil niya sakin – sa tingin ko kung itinali at hinila papalayo sa mga libro, may tsansa na pigilan niya ako. Physiologic need ko ang pagbabasa, kumbaga pag nakakita ng libro, sugod!

Pasok kame sa exhibit. Halos sampung minute kame na nakatanga sa mga gawa ni Miss K tungkol sa Naermyth. Gusto ko na ngang i-uwi yung Batibat. Disturbing kase. Parang gigantic demented baby. Si Gary fan naman ng Bakunawa. Syempre, naglibot pa din kame. Daming artwork! Komiks ng Trese, mga sample work na pang editorial cartoon, at excerpts galling sa Kikomachine! Astig na astig kame sa digital art ng cover ng mga libro ko Master. Galing! Kaso nakita ko yung presyo: tumataginting na 8K. Sayang, gusto ko pa naman sana iregalo sa sarili ko.

Pagdating sa isang seksyon ng kwarto kung san nakatayo si Kapitan Sino, iniwan namen ang mga regalo naming para sa sowsyal eksperiment ni Bob Ong. Nilamon naman kame ng hiya. Tagal na nagkakantsawan kung sino ang pipili ng regalo. Natuwa ako na may homework si Propesor Bob Ong. Reaction paper. Cool. Gagawin ko yun pagkatapos kong sumulat ng Wishlist na nagsasabing sana maulit ang Visprint event with 50% discount sa mga libro, at pagkatapos ko magsulat ng panggulong blogpost tungkol sa mismong event na malamang e wala na namang papansin.

Napag-desisyonan namen na pumasok na sa meeting room para sa talk. Syempre dun kames a harap. Wala pa si Eros Atalia, na-stuck daw ata sa traffic. First stop: Paolo Fabregas. Habang nagse-set-up siya ay biglang ina-nnounce na nasa exhibit room na si Miss Karen Francisco.

Talon sabay mabilis na lakad habang kinakalkal ang Naermyth copy namen sa bag, sabay pila. Perks ng pagiging mabilis at maaga: Konti lang ang inantay namen bago kame makaharap sa kanya. Na-tongue tied ako. Parang Speaking Exam lang sa Intenational English Language Test System ang dating… at halos mahimatay ako ng matandaan niya ang pangalan ko! Super star stuck!

Pagkatapos ng konting kwento ay bumalik na kame sa loob para sa mga talks. Nauna si Sir Paolo Fabregas, ang lumikha sa Filipino Heroes League. Ganda ng sense ng talk niya, lalo na para sa mga manunulat at artists na biglang talon nalang at nagpapakalunod sa creativity, kaso pag binasa mo naman ang gawa e wala palang kwento. “Be clear, and then be clever.” Ayon sa kanya, ang pagiging creative, hindi lang pwedeng astig, dapat naiintindihan din. Parang ganito din ang sinabi ni Master Eros Atalia sa speech niya kung paano ikikwento ang kwentong Pilipino. Ang pagsusulat ang dapat nag dahilan, dapat may pamamaraan, dapat may mensahe. Hindi pwedeng gusto mo lang magsulat pero wala ka naman sasabihin. ‘Di rin pwedeng paulit-ulit mong sinasabi ang sinabi na ng iba –walang kwenta yun. Dapat tingnan ang mga bagay sa ibang angulo, tapos atakihin yun mula sa angulong yun. May isa pa! Sabi ni Master Eros, wag na daw naming hangarin na maging susunod na Bob Ong, Karen Francisco, o Karl de Mesa, dahil nga naman may Bob Ong, Karen Francisco at Karl de Mesa na. Para sa mga naghihikahos na filingerong manunulat na tulad naming, madalas masaya na pag nahahalintulad sa mga idolo. (“You write like Stephen King!”… Handa na akong mamatay sa kaligayahan). Nakakatuwang isipin na hinihimok kame ng isa sa mga idol namen na maging KAME, maging AKO, at hind imaging SILA. Dramatic moment ako dito. Masarap pala pakinggan na mag tiwala sa amin ang mga manunulat na ‘to, kahit na hindi nila kame kilala ng personal!

Ang pangit nga lang e ito: dahil nga sa wala kame sa katinuan ni Gary, hindi namen natapos ang morning session. Hypoglycemic na kame (meaning gutom) at kailangan ng kumain, magpahinga, at magpainit (parang freezer sa meeting room, malamang kase hyperthermic kame). Na-miss tuloy namen ang talk ng mga comic artists. Sayang. Gusto ko pa naman sana pakinggang yung 10 Tips for Lazy Artists ni Kajo Baldisimo, kaso din a talaga kinaya.

Matapos magpakasasa sa KFC, balik SMX na kame. 12:30 palang nag-aantay na kame ni Gary. Excited kame sa panghapon na talk: in line sina Miss K, Karl de Mesa at Bart Coronel. Ang topic – na paborito naming pareho ni Gary – horror at speculative fiction. Tuwang-tuwa ako, pero parang na-horde ko ata ang oras sa question-and-answer portion… pwede na rin, at least nakahingi ako ng tip kung pano hindi kakainin ng research na nagiging dahilan kung ba’t matagal nabibinbin ang stories ko, at nabigyan ipag-asa ako ni Sir Bart na kahit WALA AKONG ALAM SA WRITING, pwede parin ma-publish sa labas ng kawawang blog na ito na walang fan kundi me, myself and I.

Labas ulit kame ng meeting room pagkatapos ng Horror Group, painit ulit. Masama na talaga ang tama namen ni Gary, pero sa sobrang saya e napaglabanan ang sama ng pakiramdam. Nakita namen si Karl de Mesa na may kausap. Pinaplano ko na kung paano ko siya aambushin ng hinila ako ni Gary para bumili ng libro ng idol niyang si Manix Abrera at magpa-autograph dito.

Habang nakapila, may nakita ako. Isang kulot na medyo chubby na gwapo na PUMIPIRMA NG LIBRO NI BOB ONG. Anak ng… Biglang tingin ako kay Gary,nakangisi. Wala kasi siyang dalang kahit isang pwedeng pirmahan ng rare species na tulad ni B.O.

“Ano ulit sasabihin mo kung andito siya, at wala kang dalang papapirmahan?”
“P$%!&@*a,” sagot ng tropa ko.


Hagikhikan sa tawa. Nagpapirma ako. Syempre hindi si B.O. yung gwapo. ASA. Mga may Alzheimer’s nalang ata ang maniniwalang magpaparamdam siya sa kahit anung event. Si KLARO pala yung gwapo, yung nagdrawing ng Alamat ng Gubat. Gusto ko sana makipag-palit ng CP number kaso ang kapal naman ng mukha ko.

Balik sa labas. Hindi ko parin ma-i-execute ang plano kong ambush. Plan A: Himukin ang mga espiritu ng kadiliman para madala kame ni Master Karl sa ibang dimension at mapa-sign ko sa kanya ang libro ko tapos makapag-papicture. Kaso matagal na proseso yung ritwal nun. Plan B: Sumigaw ng sunog tapos kidnappin si Master Karl para makapagpa-sign ng libro tapos makapag-papicture. Kaso baka masira ang event. Ayoko. Baka ‘di na ko maka-request ng 50% off sale ng Visprint at Writing workshop para sa aming mga fangirls and boys nila. Plan C: Mag-antay na umalis ang mga kausap sabay GO.

Masaya man ang unang dalawang plano, Plan C padin ang natuloy. Pag-katapos ng maraming negosasyon sa hiya paghiling ng photo-op kay Master Karl, balik kame sa mga cool ng Visprint people sa labas. Pang apatnapu’t siyam na beses kong tinanong kung pupunta sa event si David Hontiveros. Hindi daw. Heart broken. Sayang naman. Pinagpalit ko nalang ang binili kong Craving para sa Trese ni Master Budjette Tan. Hindi ako mahilig sa comics, pero tuwang tuwa ako dito. (Pag-uwi ito ang una kong binasa sa FX, kahit pagdating sa bahay nag-aalburuto ang mata ko sa eye strain at pumipintig ang ulo ko sa sakit).

Pagbalik namen sa loob, oras na para sa pagpaparamdam ni Bob Ong. May mga technical difficulties, pero ayos lang. Tuwang tuwa kame dahil sa poetry reading ng Ang Bet Kong Jowa. Panalo. Parang revelation! Na-in love ata ako dun sa manunulat.
Syempre, hindi talaga magsasalita si B.O. Asa pa kame diba? Pero sabi naman ni KLARO, okay lang yun, kase mas gwapo naman siya. Wagas ang video presentation! May teaser pa para sa ika-siyam na libro. Tapos sa huli…… Mamaya na 'yun.

Pagkatapos ng talk nagkagulo ang lahat dahil may tatlong pinagpalang kaluluwa daw ang mabibigyan ng kopya ng 9th book ni B.O., basta magdala lang sa harap ng libro niya. First row ako, may dalang lirbo na pinirmahan pa ni KLARO… Ewan ko ba kung bakit di ako naka—takbo agad sa harap. Kulang nalang batukan ako ni Gary.

Pagkatapos ng talks ay meet and greet mode ulit. Na-meet ko si Mr. Budjette Tan at nagpapirma ng Trese. Pinangako ko sa sarili ko na ireregalo ko sa sarili ko yung buong series sa Pasko, kasama ng Filipino Heroes League.(Baka hindi na'ko makakauwi kung bibili pa ako ng libro.)

Natapos ang event at nagpaalam kame sa mga manunulat at organizers.

Umuwi kame sa bahay bitbit ang mga give-aways, libro, at astig na ala-ala ng araw na iyon.

“Lumayo ka man sa akin,
At ako’y iyong limutin,
Masakit man sa damdamin,
Pilit kong titiisin…

Pagkat saan ka man naroroon
Pintig ng puso ko’y para sa’yo
Naghihirap man ang aking damdamin
Nagmamahal parin sa’yo giliw
Limutin man kita’y di ko magawa
Hindi parin ako nagbabago
Ang pag-ibig ko sa’yo’y
Lagi mong kasama….”

Aminin, napakanta ka ‘din. ^_^

No comments:

Post a Comment