I was supposed to write about reproductive health, about inclusive education. I was even supposed to blog about what words of wisdom I want to be known when I die. I'm writing this instead. I wish I wasn't, but I don't get everything I wish for, do I?
Ang puta ay
(kinakamay at hindi kinukutsara,)
ay kinakantot ngunit
hindi
minamahal.
Ang puta ay ang kanyang pwerta
at hindi ang kanyang pagkatao;
hindi ang kanyang
kabutihan
o talino;
siya ay ang
hindi ang kanyang
kabutihan
o talino;
siya ay ang
kanyang ari
at ang kanyang ari ay hindi kanya.
Ang puta ay hindi nabubuhay
sa labas nang sarap
at nang libog
at nang pangangailangan;
hindi nabubuhay sa labas
nang mga nakaw na sandaling
itinatago sa dilim nang gabi.
Ang puta ay kinakantot
nang walang pagmamahal
o sa pagmamahal na tali
sa pagpapanggap.
Sapagkat walang pangalan ang puta -
kundi minsan
ang pangalan nang iyong minimithi.
Ang puta ay
(kinakamay at hindi kinukutsara,)
ay kinakantot ngunit
hindi
minamahal.