Friday, December 24, 2010

A Christmas Present to a Friend

kumikindat ang langit
mga makukulay na ilaw
nagpupumilit
na lagpasan ang araw,
ang buwan at bituin.


at sa dako paroo'y
sumisigaw ang kanta,
musika ng ligaya
maskara ng lungkot.


maaring umaawit
ang mga anghel sa langit
at ang kanilang tinig
lumulutang sa himpapawid


ngunit sa munting mundo
kung saan ang puso mo
ay huling pumintig
at bumuntong-hininga,


walang musika
o kanta sa umaga.
ang dilim ng gabi-
ang lamig ng gabi-


ang sumasakop
sa kung saan huling
naratay ang puso mong niligaw
nang iyong pinag-alayan.